NAME AND TITLES OF THE HOLY SPIRIT (PANGALAN AT TITULO NG ESPIRITU SANTO)
ANG PANGALAN NG ESPIRITU SANTO
Ang pangngalang pantangi (proper name) ng Ikatlong Persona sa IIsang Diyos ay “Espiritu Santo,” siya na ating sinasamba at niluluwalhati kasama ng Diyos Ama at Diyos Anak.
Ang “espiritu” ay mula sa Ebreo na “ruah” na ang kahulugan ay hininga, hangin, ihip. Ang “santo” o banal ay dakilang katangiang tumutukoy sa pagka-Diyos. Maging ang salitang “espiritu” ay isa ding dakilang katangian ng Diyos. Kaya ang pinagsamang “espiritu” at “santo” ay pagpapatunay na ang Ikatlong Persona ng Santissima Trinidad ay tunay at tiyak na Diyos.
MGA TITULO NG ESPIRITU SANTO
Iba pang mga titulo ng Espiritu Santo:
Paraklito/ Patnubay/ Mang-aaliw (ibig sabihin ay kakampi natin, tagapagtanggol natin; si Hesus ang unang Paraklito at ang Espiritu Santo ang “isa pang” Paraklito; JN 14:16)
Espiritu ng Katotohanan (Jn. 16: 13)
Mula sa Gawa ng mga Apostol at mga Sulat: Espiritu ng Pangako (Gal 3: 14, Ef. 1: 13), Espiritu ng Pag-ampon (Rom 8:15, Gal 4:6), Espiritu ni Kristo (Rom 8:9), Espiritu ng Panginoon (2 Cor 3:17), Espiritu ng Diyos (Rom 8:9, 14; 15:19, ! Cor 6:11, 7:40), Espiritu ng Kaluwalhatian (1 Ped 4: 14).
basahin din ang Katesismo ng Iglesia Katolika… ourparishpriest 2023