IKA-27 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A; VERSION 1
MULA PAGSUWAY TUNGO SA PAGTALIKOD
MT 21: 33-43
MENSAHE:
Paano nga ba nangyayari na tumatanggi o tumatalikod sa Diyos ang isang tao? Iyong mga walang alam sa Mabuting Balita at tumataban lang sa maling akala sa pananampalatayang Kristiyano ay tiyak na madaling hamakin ito kahit walang basehan. Madaling maunaawan kung bakit sila ganyan. Pero paano ba iyong mga mananampalataya sa Diyos, na nakikinabang sa kanyang kabutihan, ay nagbabago at nagiging kaaway ng Panginoon? Karaniwang nagsisimula ang lahat sa dahan-dahan at patuloy na pagsuway. Pagkatapos isara ang puso sa Diyos, madali na nilang iniiwan ang pananampalataya at nagiging palaban sa Diyos. Ang mga magsasaka sa talinghaga ay tumangging tuparin ang kanilang tungkulin sa may-ari ng lupa. Sinuway nila ang napagkasunduan noong una. Patuloy nilang ipinamalas ang ganitong paninindigan hanggang humantong ito sa pagpatay sa anak ng kanilang amo. Sa pagtangging igalang ang kaugnayan sa Diyos, nanlamig na ang kanilang puso at nagdulot ng pagkutya. Ang pagsuway ay nagdudulot ng pagtalikod, ng paglayo sa Diyos na nag-aalay ng lahat ng mabuti sa kanyang mga anak. Sa ating buhay din, maaaring magbago mula pagiging malapit tungo sa paglayo sa Diyos, hindi sa isang iglap, kundi sa pamamagitan ng mga maliliit na kilos ng pagsuway. Sa paglalantad natin sa pagsisinungaling, panloloko, maduming pag-iisip, karahasan, paglimot sa ating tungkuling pang-relihyon, masamang pakikipag-barkada at iba pang mga mapanganib na gawain, isang araw, mapapansin nating malayo na tayo sa bukal ng biyaya. At hindi dahil iniwan tayo ng Panginoon, kundi dahil patuloy tayong sumusuway sa kanya. Kung ramdam mong tila malayo ang Diyos, sino kaya ang umusod?
MAGNILAY:
May kilos, gawain, o pinagsisikapan ka ba sa iyong buhay na malinaw na taliwas sa iyong pananampalataya? Nakikinig ka ba sa banayad at tahimik na udyok ng Espiritu Santo na nag-aanyayang itama ang landas mo ayon sa kalooban ng Panginoon? Maaaring ngayon na ang panahon upang siyasatin ang puso at tingnan kung may bahid doon ng pagsuway… tanggapin ito at buong kababaang magbalik sa mainit na yakap ng Diyos.
ourparishpriest 2023
(A Holy Recommendation:
I recently came across a humble yet wonderful shop on Lazada called “St. Joseph’s Little Shop.” They offer a range of unique and beautiful items related to St. Joseph. If, like me, you’re a devotee of St. Joseph, you’ll find this store to be an excellent source for your devotional items. Moreover, they have a selection of other religious materials beyond those centered on St. Joseph. I highly recommend visiting their site. Please note that this recommendation is voluntary and unpaid.)