Home » Blog » PANALANGIN PARA SA MGA NAGKAKALAT NG TSISMIS

PANALANGIN PARA SA MGA NAGKAKALAT NG TSISMIS

Panginoong Hesukristo, Ikaw ang Daan, Katotohanan, at Buhay. Sa araw na ito, amin pong itinataas sa Iyong puso ang pagbabagong-buhay ng mga tao sa aming paligid na mahilig magkalat ng tsismis, maling impormasyon, at paninira dala ng inggit, galit, o katamaran sa buhay.

Hipuin Mo po at palambutin ang kanilang puso sa Iyong tawag na maging mabuti at maunawain sa kapwa. Ipaalala Mo po sa kanilang ang bawat tsismis na nagmumula sa kanila ay sugat sa Iyong puso at kasalanang may kaparusahan pagdating ng wakas. Amen.

 “Ang lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis,
  kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila.”

 Kawikaan 20: 19