PANALANGIN SA PANAHON NG KALAMIDAD AT SAKUNA
Diyos ng paghilom at ng habag, lumalapit kami sa Iyo ngayon na may mga pusong puno ng pighati dahil sa kalamidad o sakuna na dumadating sa aming lupain, sa aming buhay, sa aming pamilya at pamayanan. Nawa maranasan ng lahat ang Iyong presensya lalo na ng mga taong naghihinagpis, nasaktan, at napalayo sa tahanan at kabuhayan. Punuin mo po kami ng karunungan at alagaan ang mga taong sumasaklolo sa mga nangangailangan dahil sa pangayaring ito.
Nawa kaming Iyong simbahan ay maging saksi sa pagkamaawain at pangangalaga Mo sa lahat ng tao. O Diyos naming tanggulan at lakas, manatili Kang saklolo naming sa lahat ng kagipitan at pagsubok. Tulungan nawa kami ng mga panalangin ng Mahal na Birheng Maria aming Ina, ni San Jose, lahat ng mga banal, at ng mga anghel na tagatanod namin. Salamat po sa pag-asang patuloy pa ring bumubukal sa aming puso at sa walang sawa Mong pagdinig sa aming mga hinaing. Lahat ng ito ay dalangin namin sa ngalan ni Hesus na Panginoon kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.